TITSER PANGKALAWAKAN at ang iba pang angas sa social network underworld ni Joselito D. delos Reyes

Bilang titser sa isang Lipunang hindi palabasa, tanggap na niya na internet na ang uso dahil mabilis at instant ang resulta. Kaya mataas ang appreciation niya sa mga taong matiyagang nagbabasa ng aklat, lalo na kung libangan lamang at hindi pang-akademiko. Lalong higit nga raw ang pasasalamat niya kapag binabasa ang istatus niya, lalo na iyong mahahaba. 

Titser Pangkalawakan

So, bakit dapat i-follow si Joselito D. delos Reyes at basahin ang kanyang posts (ayon sa compilation ng kanyang status)?

Interesante.

Sa simula pa lamang nang ipaliwanag n’yang wala naman talagang dahilan kung bakit “Titser Pangkalawakan” ang title ng aklat niya. Wala naman. Wala naman kasing umayon maliban sa bulol pa niyang bunsong anak. Pero nakakatawa. Kahit may ilang akademiko kagaya nina Foucault at Montaigne na nabanggit sa bandang unahan ng kanyang libro, hindi pa rin nakakatakot basahin kasi nagpapatawa. Sabi nga, sino ba naman ang hindi nais tumawa lalo na sa panahon ngayon. Bukod pa dun, ang mga istatus kasing nakalimbag ay napapanahon. Nakakarelate ang mambabasa. Iniisip ko ngang magkasing-edad lang kami naaalala ko pa ang mga isyung binanggit nya sa facebook status nya.

Personal

Ang libro ay nahahati sa apat na bahagi: (1) Namemersonal, (2) Balat sa Tinalupang Lupa, (3) Titser Pangkalawakan at (4) Payong Kinakapatid. 

Sa unang bahagi inilahad niya nang wala kyemerut ang kanyang mga personal na karanasan bilang teacher, tatay, asawa, estudyante (bulakbol na estudyanteng pinatigil ng nanay, haha), kapitbahay, empleyado ng gobyerno at bilang isang indibwal na pakiramdam ko baga’y paurong sulong sa buhay. 

Sa ikalawang bahagi naman mababasa ang disgust niya sa klase ng pamahalaan na meron tayo noong 2015 (lalo na siguro ngayon). Nakakatuwa pa rin kasi inihalintulad niya ang government affairs sa piccolo (yung paputok, hindi yung musical instrument, lalong hindi yung kulay green na taga-ibang planeta sa Dragon Ball Z), sa TODA na pilit tumitingin sa “tuwid na ruta” at sa president nitong hindi malaman kung sino talaga ang boss. Feeling ko, favorite niya ang Angel’s Burger kasi ilang beses niya binanggit at nirecommend na pampalipas ng sama ng loob o pampagood shot ang burger kahit nagalit ang management nito noong sinabihan ito nang “sa unang kagat, tinapay lahat.” Haha. Hindi naman daw kasi. From time to time, nagbigay din si JDR ng lecture tungkol sa paggamit ng tamang salita na ginagamit sa social media at balita. Dagdag kaalaman ito para sa atin guro at estudyante. 

Sa ikatlong bahagi naman, inilahad niya ang mga karanasan niya bilang isang guro. May parang open letter pa siya sa tatay niyang dating pulis, tapos ikinuwento niya rin ang karanasan niya sa pagkuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) kung saan tawang-tawa ako habang naaalala ko na nakatulog ako habang kumukuha ng test. May sama nga pala ako ng loob sa proctor na hindi man lang ako ginising. Jusme. Pass your papers na nung nahimasmasan ako, e di pandalas ako ng kaskas ng lapis sa papel para makahula. Makatsamba man lang bago ipasa ang test paper. Buti nalang pumasa ako. 

Sa huling bahagi ng aklat, ang kanyang mga paying kinakapatid, hindi ng bayaw (gets n’yo?) Parang “from my inbox” ganern. Tapos ikinuwento niya ang konteksto ng sulat at ang mga nakakaaliw niyang sagot na lahat ay base pa rin sa kanyang personal na karanasan. 

Matapat masyado ang aklat na ito. Masyadong personal lalo na iyong mga kuwento ni JDR tungkol sa buhay niya bilang guro at asawa habang nakailang roundtrip siya sa Lucban at Sampaloc, Manila. Tagos sa pakiramdam ang kanyang mga fb status. Napakabilis ko lang binasa kanina. Kinikilig ako sa pagtawa na tuwing dadaan ang co-teacher ko ay binabati niya ako bakit ako tawa nang tawa. 

Madaling Basahin. 

            Sabi ni Prof. Joey Baquiran, alam daw ni JDR ang kanyang puwesto sa lipunan at alam din niya ang puwesto ng iba kaya siguro madaling basahin ang libro. Hindi kailangan ng dictionary para maintindihan ang sinasabi o nais niyang iparating. Ang mga analogy at iba pang paghahambing ay mabilis maunawaan kasi ang inamit niya ay mga bagay at sitwasyon na abot-kamay nating lahat. Nakikita sa paligid. Naririnig sa tv, radio at kapitbahay. Parang tayo lang. Parang titser, parang estudyante din lang. 

            Isa lang ang hindi ko nagets talaga ditto e, ‘yung ginamit ang 2pr sa pagsagot sa tanong na kung paano daw ba magpapogi points sa nililigawang taga-Lyceum na hindi niya masigurado kung saan at aling Lyceum. Haha! 

At bilang propesor nga ng the best university sa Espana (Go, USTe! Go USTe!) at nagtuturo ng kulturang popular, panitikan at peryodismo, dapat talagang i-follow si Joselito D. Delos Reyes sa facebook. Basahin ninyo talaga ang kanyang mga post at hindi nga lahat ay may karapatang magbenta ng kanilang facebook status. 

Mula sa libro, ilan ito sa aking mga paborito (minarkahan ko pa ang pages habang nagbabasa ako):

  1. BASA. Unang entry tungkol sa pagbabasa. Nabanggit ko na sa itaas kung bakit. Sa huling webinar naming nina Eros Atalia, tinanong niya ako ano ang masasabi ko tungkol sa pagbabasa at pagtuturo ng panitikan. Andami kong sinabi kasi biglang umatungal ang anak ko pero ang ending sabi ko, maaappreciate lamang ng mga bata ang panitikan kung makikita nila tayong mga guro na nagbabasa. Walang ibang pinakamabisang formula sa pagtuturo ng panitikan kundi pagbabasa.
  2. HON. At KGG. Malapit ito sa akin at pasintabi na sa iba pero para masabing mahusay tayong guro or estudyante, hintayin nating purihin tayo ng mga dati nating estudyante (o titser). Hindi pwedeng nagbubuhat tayo ng sarili nating bangko. Hayaan nating sa iba manggaling ang pagtingin na tayo ay kagalang-galang. Oo nga naman.
  3. DUE PROCESS na pwede iupgrade depende kung tao ka o baboy ka. Alam n’yo na, ‘yung naka-barong.
  4. TALSIK NG KARUNUNGAN. Dito ako pinakamalakas tumawa. Dala-dala ko pa ang aklat tapos binasa ko ulit sa harap ng kaibigan kong co-teacher. Sabi niya, oo nga ano? Paano ng ba maiiwasan tumalsik ang laway habang nagtuturo? Sabi ko, ako talaga paikot-ikot sa loob ng classroom tapos siya raw nasa likod. Pero may kakilala kaming kinakausap ang board. Hahaha. Tawanan ulit kami. 
  5. BOARD EXAMS. 2005 pala noong nakapasa si JDR ng LET. PArehong taon kami pero mas mataas ang scores niya kasi nga nakatulog ako sa exam. Tapos, hindi naman talaga ako nakapagreview dahil may trabaho ako noon at undergoing accreditation ang unibersidad kung saan ako dating nagtuturo. Nakakaiyak na hindi naming kaagad Nakita ang pangalan naming sa list of passers kasi hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi. Baka nag-resign na ako. Hehe. Pero gusto ko rin iyong kuwento ng engineering student na binigyan niya ng pag-asa. Yung pamilyang tindera ng buko na binibilhan niya sa Lucban (tam aba?) at kung paanong nasaktan at nalungkot din siya kaso, ni hindi nga niya kilala. 

Bukod pa sa aklat, tandang-tanda ko rin ang facebook status niya tungkol sa pagsambakol ng mukha ng anak niya dahil sa nagdeliver sa kanila, iyon pala ay crush at nagdadalaga na at ang hindi niya inaasahan katuparan ng kaniyang aklat, ang maging titser pangkalawakan na maangas sa panahon ng pandemie at online classes. Limang taon pagkatapos mailimbag ng aklat ng kanyang fb status. Hehe.

Kaya basahin n’yo na rin ito at nang makadagdag naman sa makakapagbigay ng good vibes sa inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: